Whamos Cruz, binigyan ng bagong cellphone ang ina ni Antonette matapos alagaan si Baby Meteor
Naging emosyonal ang ina ni Antonette matapos siyang bigyan ng kaniyang future son-in-law na si Whamos Cruz ng bagong Iphone.
Ibinahagi nina Antonette sa kaniyang Facebook page ang nakakaantig na video ng kanilang ina na niregaluhan nila ng mamahaling regalo bilang pasasalamay dito.
Sinorpresa siya ni Whamos matapos nitong maayos at matiyagang alagaan ang kanilang anak na si Baby Meteor. Napupuyat din daw ito sa pag aalaga.
Napayakap ang ina ni Antonette kay Whamos dahil sa sobrang tuwa nito.
Ayon kay Whamos, deserve ng nanay ni Antonette ang makatanggap ng regalo dahil maayos nitong naalagaan ang kanilang anak.
No comments