Singer na si Katrina Velarde may advice kung paano makabingwit ng afam na ''Jowa''
Diretsa at nakakaaliw ang sagot ng singer na si Katrina Velarde o mas kilala noong ''Suklay Diva'' sa isang netizen na nagtanong kung paano niya nakilala ang Slovak pilot boyfriend, ang bagong pag-ibig higit isang taon matapos mabyuda noong 2021.
Wala pang masyadong ibinigay na detalye si Kat pero malinaw na hindi dahil sa mga patok na online dating application nakilala ng singer ang nagpapatibok sa kaniyang puso ngayon.
Pang-intriga na kasi ng isa sa kaniyang followers: “App reveal po idol!’”
“Gumala ka lang be!” pilya at tinawanang hirit ng aktres.
Kung bet magka-dyowa, humayo at maghagilap ang peg ng advice ni Kat.
Narito ang buong post ni Katrina sa kaniyang Instagram account.
''Hi captain and my pilot in command. You took off so fast and nicely LANDED in my heart and i was NOT prepared for your arrival But here you are with me right now...
Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat. Salamat sayong pagmamahal. Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag aalinlangan at punong puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat... I THANK GOD THAT HE ALLOWS ME TO FALL INLOVE AGAIN
It's not afam is life, it's your love that is life...''
Nauna nang nagbahagi ng kaniyang saloobin si Kat kasunod ng kaniyang bagong pag-ibig. Hangad din niyang maranasan ito ng masugid na mga tagasuporta.
“Para sa mga taong may mabigat na pinagdaanan. Allow yourself to be happy again, fall inlove again Lahat ng dumadaan sa buhay natin meron tayong natututunan but that doesnt mean we move on, but we move forward. Life is too beautiful There’s so much future ahead for you, ” aniya.
No comments