Estudyante, todo-flex sa kaniyang natanggap na ''Academic Excellence Award''
'OO NA, WITH HIGH HONORS NA'
Ibinahagi ng isang estudyante ang kaniyang tuwa at pagiging proud sa mga natanggap na awards mula sa kakatapos lang na second quarter sa kanilang eskwelahan.
Sa kaniyang Facebook account, ibinahagi ni Alexis Josh Guadaña, mag-aaral sa City College of Tagaytay (CCT), ang mga larawan na ibinibida niya ang kaniyang certificate na nagpapatunay na nakatanggap siya ng academic excellence award or "high honors" dahil sa kanyang general average na 96.1 para sa second quarter.
Binitbit niya at ipinagwagwagan ng Grade 11 student ang certificate habang sakay siya ng jeep, naglalakad, sakay ng escalator, papasok ng mall, nakatambay, at nasa loob ng CR.
No comments