Bagong Kasal, Kolong-Kolong ang nagsilbing bridal service



BRIDAL KOLONG-KOLONG
ni sid samaniego

ROSARIO, CAVITE: "Pangako ko, ikaw lang ang mamahalin ko sa hirap at ginhawa sa habang buhay". Mga linyang binitawan ng dalawang bagong kasal na sakay ng kolong-kolong.


Kinilala ang dalawang bagong kasal na sina Robert Austria Fernandez, 32 taong gulang, isang vegetable vendor, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Siilangan 2, Rosario, Cavite. At Precy Castillo, 30 taong gulang, isang OFW, tubong Sta. Elena Camarines Norte.


Ayon sa bagong kasal, nagkakilala lamang silang dalawa sa pamamagitan ng social media na facebook.
"Pachat-chat lang kami nung una. Ang bilis ng pangyayari. After one year, eto na kami ngayon, ikakasal na sa aming Mayor", natatawang kwento ni Precy.

Naging agaw-pansin naman ang ginamit na sasakyan ng bagong kasal dahil imbes sa magarang sasakyan ay sa kolong-kolong sila nakasakay. Ang naturang kolong-kolong ay pagaari ng tiyahin ng groom.

Pangarap ng bagong kasal na magkaroon ng dalawang supling. Na higit na magpapatibay sa kanilang pagmamahalan.



Ikinasal ni Mayor Voltaire V. Ricafrente ang dalawa ngayong araw sa mala romantikong kubo sa Isla Bonita.

-Epipanio Delos Santos Avenue

No comments