12 taong gulang na bata, nakasungkit ng gintong medalya sa Bangkok, Thailand


12 YEARS OLD NA CAVITEÑO, NAKASUNGKIT NG GINTONG MEDALYA!

Ibinahagi ni Alfonso Cavite Mayor Randy Salamat ang isang Magandang Balita kung saan isang 12 years old mula sa kanilang bayan ang nagkamit ng Gintong Medalya para sa sa 4x100m free style relay sa Asian Open School Invitational Aquatics Championship sa Bangkok, Thailand.


Si Angela Herrera Mojica mula sa Brgy. Sulsugin, Alfonso Cavite na estudyante ng Victorious Christian Montessori College Inc.- Alfonso. Sa ginanap na patimpalak sa Thailand ay nasungkit ni Angela ang gintong medalya na talaga namang nakaka mangha dahil sa kanyang angking kakayahan at talento sa edad na 12.



Si Angela ay myembro ng Philippine Swimming League Tankers and Cavite Blue Wahoo Swimming Team at ang buong koponan ay nagkampeon din sa nasabing patimpalak sa Thailand.



“Isa sa mga ipinagmamalaki ng Alfonso! Grabe talaga ang husay ng Alfonseño. Congratulations, Angela!” – Mayor Randy Salamat

Talaga namang nakaka PROUD maging CAVITEÑO!
-Cavite Connect

Narito ang buong post ni Mayor Randy Salamat,

Nakakaproud ka, Angela! Siya po si Angela Herrera Mojica, 12 years old, taga Sulsugin, Alfonseñong estudyante ng Victorious Christian Montessori College Inc.- Alfonso— na nagkamit ng GOLD MEDAL sa 4x100m free style relay sa Asian Open School Invitational Aquatics Championship sa Bangkok, Thailand.

Siya po ay myembro ng Philippine Swimming League Tankers and Cavite Blue Wahoo Swimming Team. Ang buong koponan po ay Champion din sa nasabing patimpalak sa Thailand.

Isa sa mga ipinagmamalaki ng Alfonso! Grabe talaga ang husay ng Alfonseño. Congratulations, Angela!

#AlfonsoPride #ResponsablengSerbisyo #ManlalarongPinoy

No comments