Watawat ng Pilipinas, ginawang car cover o panakip sa kotse sa Iloilo City




Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki mula sa Mandurriao, ILoilo City, nitong Pebrero 26, dahil ginawa nitong car cover o panakip ng kaniyang kotse ang watawat ng Pilipinas.

Ayon sa may-ari ng kotse hindi diumano niya alam na ang bandila na pala ng Pilipinas ang ginamit ng kaniyang inutusang tauhan upang takpan ang kaniyang sasakyan.


Pag-amin naman ng nabanggit niyang tauhan, hindi niya raw alam na bawal na bawal palang gamiting panakip sa kotse ang bandila ng Pilipinas.

Maaaring makulong ng hanggang 12 taon at magbabayad ng maximum na multang P20 thousand ang naarestong lumabag.


Sa ilalim ng Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit sa Philippine flag bilang panakip, o sa anumang paraan na nagpapakita ng pagkawalang galang dito.

Na sa kustodiya ngayon ng Mandurriao Police ang lalaki para sa karagdagang imbestigasyon.

No comments