VIRAL: 3 magkakapatid sa Laguna, pare-pareho ng araw ng ''Birthday''


“Yung matres ko, ayun lang yata ang kilalang date eh…”

Namangha ang mga netizen sa post ng isang ina sa kaniyang Facebook account, kung saan ibinahagi niya na ang tatlo niyang anak ay pare-parehas ng birthday o kapanganakan.

Siya si Pamn Faye Hazel Cabañero, 32 taong gulang, na mula sa Pakil, Laguna, ibinahagi niya sa social media ang mga larawan ng birth certificate ng kaniyang tatlong anak, pare-pareho kasi ang tatlo niyang chikiting na pinanganak ng January 27, 3 taon ang pagitan ng bawat isa.


“Hindi ko inasahan pero ipinagkaloob!” .

“Every 3 years dumadating sila at saktong January 27 pa ipinapanganak! Yung matres ko ayun lang yata ang kilalang date eh. Saganang salamat po Mahal na Panginoon sa kakaibang pagkakataon na ito,” caption ni Cabañero sa kaniyang mismong post.



Isinilang daw ang panganay ni Cabañero noong January 27, 2017, ang pangalawa biya ay January 27, 2020 habang ang kaniyang bunsong anak ay ngayong taon lamang ng January 27.



Ayon sa kwento ni Cabañero, masaya nilang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang panganay at pangalawang anak, nang biglang sinakitan na siya ng tiyan.

“Almost 1 hour po siguro sa school noong umaga. After po noon nagdahilan na katawan ko mga 10:00 am nagsakitan na po ang dapat magsakitan,” kuwento ni Cabañero. “Mga 10:30 pag-uwi namin saka ko naisip na manganak na ako at may dugo nang lumabas sa akin.”


Doon daw ay tinakbo na siya sa ospital at tagumpay namang nakapanganak kinagabihan nito.

“Masaya na nakakatulala. Parang hindi po ako makapaniwala,” ani ni Cabañero.

Tuwang tuwa rin daw ang kaniyang asawa, maging ang kanilang mga anak sa pagsilang ng cute na cute nilang kapatid na kapareho pa nila ng birthday.

“Napaka-laking blessings po nito para sa amin. Hindi po namin inasahan pero binigay sa amin ni Lord,” saad ni Cabañero.


Pinag-iisipan na rin daw ng pamilya kung paano nilang ipagdiriwang ang Enero 27 sa susunod na taon, lalo na’t triple umano ang pagiging espesyal nito sa kanilang buhay.

No comments