PANOORIN: Tauhan sa NAIA, huli sa aktong nagnakaw ng pera mula sa isang turista




Kuha sa video ang pagnanak@w ng isang tauhan ng NAIA ( Ninoy Aquino International Airport) sa isang turista mula sa Thailand.

Nakuhaan ng video ni Piyawat Gunlayaprasit at ipinost noong February 22, na ninanakawan ang kapwa niya turistang Thai ng isang tauhan ng NAIA habang iniispeksyon ito maging ang kaniyang mga gamit.


Nakuha sa turista ang perang nagkakahalaga ng ¥20,000 o ₱8,000.

Makikita sa pangalawang video na ang suspek ay nagmamakaawa sa kaniya na i-delete na ang nakuhaang video, ngunit ngayon ay kumalat na ito sa social media.


Sinabi ng pamunuan ng OTS na natukoy na nito ang mga screening officer na kasangkot: 4 sa kanila ay job order staff na tinanggap noong nakaraang taon, habang ang isa ay isang kontraktwal na empleyado na nagtatrabaho nang humigit-kumulang 5 taon.


Sinabi rin ng OTS na naghahanda na ang mga imbestigador nito na magsampa ng mga naaangkop na kasong administratib0.


No comments