"Marketing Student sa Umaga, Waiter sa Gabi"



Hindi biro ang mga pinagdaanan ni Warren Dugay bago siya makatapos ng kolehiyo. Habang nag-aaral si Warren sa Tarlac State University (TSU) ay isinasabay niya ang pagtatrabaho bilang waiter. Lahat ng ginawang sakripisyo ni Warren ay nagbunga. Hulyo 22, 2022 nang gumraduate ng Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management si Warren.


"Ako pala yon batang walang honor nong elementary, sumasali lang ng extra curriculars to have medals every recognition day to make my parents proud."

"Hirap mag english at wrong grammar lagi nong junior high."

Tinutukan ni Warren ang pag-aaral niya sa kolehiyo. At bilang working student ay napakahalaga ng oras para sa kanya, "Time management po talaga ang kailangan, lalo na sa katulad ko."

"May time din na nagpapaalam po ako sa amo ko na di ako makakapasok, lalo nung feasibility [studies] days ko."


Nagdesisyon si Warren na magtrabaho habang nag-aaral para nmakatulong rin siya sa kanyang mga magulang. Ngunit inamin ni Warren na naaabus0 niya noon ang kanyang sarili sa pagtatrabaho. "I should just focus on myself at kung may gagawin man ako, dapat i-enjoy ko lang, at isaalang-alang ko yung physical and mental health ko."

Labis naman ang kasiyahan ni Warren nang mapagtagumpayan niya ang kanyang pangarap na makatapos sa kolehiyo at maging cum laude pa.



"Nagda-doubt na ako nung nasa third year na ako. Since nag-online class at nanibago ako sa setting. Kaya nung nakita ko yung name ko sa list, nanginginig ako sa saya. Napakasarap po sa feeling. Yung pag-break down mo sa lahat ng pagod mo both sa work mo at academically, lahat po iyon nawala."


May payo naman si Warren sa mga katulad niya, "May mga oras na di sasang-ayon sa atin ang panahon."

"Kahit ganoon kahirap, walang imposible sa may pangarap"

No comments