AFAM na naghahanap ng Pinay na jowa, dinumog sa social media; isang Artista ''nakipila'' rin !
AFAM NA NAGHAHANAP NG PINAY JOWA, DINUMOG!
Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang isang viral Facebook post ng isang dayuhan na mula sa Amerika, naghahanap diumano ito ng jowang Pilipina.
Tila kinasabikan ng mga netizen sa social media ang dayuhan na si Udoh Maxwell, dahil sa kanyang angking kagwapuhan na talaga naman patok sa mga kababaihan.
“Hello from USA I’m looking for Someone with beautiful heart, i hope that i can find my Soulmate in this group.. NEXT WEEK COMING TO PHILIPPINES,” ayon sa caption nito.
Agad naman dinumog ng maraming comment mula sa mga pinay at pinoy ang post ni Maxwell.
Maging ang dating Kapuso actress at ngayon ay napapanood bilang Kapamilya na si Jennica Garcia na gumaganap bilang Lala sa pinag-uusapang teleseryeng “Dirty Linen” ay napa-react din sa naturang viral post.
“Suddenly I wanna go to USA.”
“Baka ito na ang sagot sa kahirapan mga dzhai hahaha.”
“Itayo ang karangalan ng Pilipinas hahaha.”
“Itabi n’yo na, ako na ‘to hahaha.”
“Ay grabe, ang hottie niyaaaaaahhh mga accla, tara na!”
“Si Lala na ‘to. Ipupusta ko si Alexa, kahit isama niyo pa si Tatay Abe… Kay Lala na ito. #LabanPinay,” sey ni Jennica. Si “Lala” ay karakter niya sa DL.
Samantala, may mga nagsasabing bogus o peke raw ang account na ''Udoh Maxwell'', at nalaman nila na iba ang tunay na pangalan at social media account ng afam na nasa larawan.
No comments